Private Jane : 003
- Markcism
- Jun 4, 2015
- 4 min read

Maiinit na haplos kasabay ang walang kasing tamis na halikan, gumagapang ang mga sabik na kamay sa iba't-ibang parte na kanilang magkaanib na katawan. Ninanamnam ang init ng bawat paghinga, ang amoy ng pawis at init ng dagta na siyang lalong nagpapabuhay sa mga libidong walang humpay na umaagos sa kanilang karupukan. Mga ungol na bumabasag sa katahimikan ng kapaligiran, kalmot sa likod, sabunot sa buhok, literal na pang-aabuso sa katawang alipin ng laman, subalit ni isa ay walang kumakawala sa labis na kasabikan. Ang mahiwagang pakiramdam sa tuwing ang dalawang katawan ay umiindayog sa saliw ng kamunduhan. Ang pagniniid ng mga laman, malayang pagungol at sigaw dulot ng kasarapan. At tamis ng sobrang pagkasabik hanggang mabuo ang isang alaalang hindi malilimutan. Hindi maintindihan ni Jane kung bakit pumasok sa isip niya ang mga pangyayari sa Cebu na lagpas isang dekada na ang nakakaraan. Unti-unting nabubuo na naman sa kanyang gunita ang mainit na kahapon na pilit niyang tinatakasan. Subalit kaya niya ba talagang kalimutan ang mga pangyayaring yun? Kung sa bawat araw ay kasama niya ang napaka-gandang bunga ng kamaliang iyon. -"Masakit ang kahapon, pero bata pa ako noon, mapusok, marupok, at higit sa lahat nagmamahal. Pero iba na ang sitwasyon ko ngayon, wala na ang lumang Jane na nabihag ng mapanlinlang na tadhana", bulong ni Jane sa sarili habang tinititigan ang hubad na katawan sa salamin. Pinako niya ang tingin sa bandang dibdib, sa may parteng kaliwa, sa ibabaw ng malulusog na alindog ay may isang pangalan ang nakaukit sa kanyang makinis at maputing balat. Janela. Habang pinagmamasdan ang makulay na disenyo ng pagkakayari ng kanyang tattoo ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. -"RPT IS ASAP" Isang basag na mensahe mula sa isang hindi rehistradong numero ang bumuhay sa kanyang telepono, pero alam na niya kung kanino galing at para saan ang text message na iyon. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------- Engrande ang naging pagdidiriwang ng ika-sampung kaarawan ni Janela. Kumpleto ang handa, iba't-ibang pakulo, may clown, may face paint, at may mga gate crashers. May photobooth pa kung saan magsisilbing souvenir na umatend sila sa bongang handaan ni Janela. Malaking cake na may disenyong Frozen ang handog pa ng kanyang ina, ito ang naging center of attraction ng lahat ng mga bisitang dumadating. Halos lahat ng classmate niya ay imbitado, pati mga teachers, at ilang magulang ng malalapit niyang kaklase. Pero sadyang di maalis ang chismis kahit may nakasalpak na manok sa mga bibig nila o maibalaukan sa nilalantakang pansit. Maraming mga tanong ang unti-unting umaalingawngaw sa masayang pagtitipon habang nagma-magic trick ang clown. Bulong-bulongan, mga mapanuring mata, mga naiingit nga paningin. Parang kailangang magpaliwanag pa sa kanila kung bakit at paano nagkaroon ng handaan ang isang batang wala namang ama, kulang na lamang ay ipagkalandakan sa mukha niya na lahat ito ay bunga ng kanyang pagpu-puta. Wala talagang takas sa mundong mapang-husga. Pero binabalewala lang yun ni Jane, kahit anong patutsada ang marinig ay dumadaan lamang sa kanyang tainga. Ang importante para sa kanya ay mabigyan ng kasiyahan ang anak, lalo na't tumuntong na ito sa unang dekada ng kanyang buhay. Wala na siyang pakielam sa sinasabi o sasabhin pa ng iba. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Nagaagaw ang liwanag at dilim na nagbibigay ng magandang kulay kahel sa kalangitan, unti-unti na ding lumilitaw ang manaka-nakang mga bituin. Halos hindi naman mapigilan ang kilos ng mga taong nagmamadaling makauwi galing sa trabaho, lahat sila ay tila iisa lamang ang pakay, ang makapag-pahinga matapos ang isang buong araw na pagta-trabaho. Rush Hour. Ngunit para sa iba, ito pa lang ang simula ng kanilang pakikipagsapalaran sa buhay, ito pa lamang ang oras kung kailan nagsisimula ang umaga. Mula sa kanyang lamesa ay may isang lalaking nakatingin sa bintana, tanaw niya mula sa kinauupuan ang facade ng institusyon kanyang minahal at pinagsilbihan ng halos kalahati ng kanyang buhay. Tangan ang basong naglalaman ng kape ay unti-unti siyang lumakad papalapit sa bintana upang matitigan ng maayos ang kabuuan at paligid ng gusali. -"Ang tahimik tignan ng paligid sa ganitong oras", bulong ng lalaki sa sarili habang pinagmamasdan ang lobby ng gusali. Buong araw ay hindi nawawalan ng tao ang eksaktong lugar na iyon, lahat ay nagmamadali, nagti-tiyaga sa mahabang pila. Bakit nga ba naman hindi, simula ng naging isa sa mandatory requirements ang NBI Clearance ay hindi na ata nawalan ng tao tuwing umaga ang lugar na iyon. Ang iba ay mula pa sa malalayong lugar, tinitiis ang mahabang pagdurusa upang maipakita lamang mula sa kapirasong papel ang katunayan na hindi sila gumawa ng anumang labag sa batas sa loob ng anim na buwan. -"Bakit kaya ang tagal niya, kanina ko pa siya hinhintay." Tila may inis sa bawat pagbikas ng lalaki sa sarili habang nakatanaw sa tatlong greek columns na may nakasulat na NBI sa bawat isa. Inabot mula sa bulsa ng kanyang itim na slacks ang cellphone, tumipa hangang sa mabuo ang mensahe, send, ilang sandali lang ay lumabas na ang konpirmasyon. Message Sent ----------------------------------------------------------------------------------------------------------- Naging masaya naman ang pagdiriwang ng birthday ni Janela, naguwian na ang ibang bisita, tanging mga malalapit na kapit-bahay na lamang ang natitira. At katulad ng ano mang bagay sa mundo, lahat ito ay may katapusan. Unti-unti na niyang niligpit ang ibang pinagamitan, tinulungan naman siya ng ilang taong maituturing na kaibigan. Matapos ang mga laro at kainan, itinigil na ang party. Tinapos na lahat ng gagawin, sumandal saglit upang magpahinga. Ngunit alam niya sa sarili na hindi pa tapos ang araw para sa kanya. May kailangan pa kasi siyang puntahan, kailangang asikasuhin. Lalo na't nag-text ulit ang hindi rehistradong numero. -"IS. ASAP"
Itutuloy...
Comments