top of page

Photoshoot : 001

  • Markcism
  • Jun 23, 2015
  • 5 min read

-"Plok, plok, plok, plok...." Malulutong na ingay ang tanging maririnig mo na tunog sa maliit na silid na iyon. Malakas ang ulan sa labas, malakas din ang tulo mula sa bubongan ng bahay nila. Napabuntung-hininga na lamang si Cindy habang pinagmamasdan ang tila walang humpay na pagtulo ng tubig ulan sa loob at labas ng kanyang silid. Kailan kaya siya yayaman, kailan kaya siya kikita ng malaki upang maipagawa ang bahay at mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang at kapatid, mga katanungan na naglulumaro sa kanyang isipan. Maliit lamang ang kinikita niya sa pagiging crew sa isang sikat na coffee shop, pinapaaral niya pa ang sarili. Desidido na siyang gawin ang kahit ano maiahon lang ang buhay mula sa pagkakalugmok. Kasabay ng malakas na pagkulog ay umalingawngaw sa kanyang gunita ang sinabi sa kanya ng supervisor minsang magkasabay sila nitong umuwi: -"Working student ka diba? Anong course mo?", -"Opo mam, HRM po ako", -"Ahhh. sipag naman! Teka gusto mo ba ng extra income?", -"Yes naman mam!", mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Cindy. -"Yung pamangkin ko kasing fine arts student naghahanap ng modelo para sa photography class niya. Baka lang interested kang maging modelo?", nag-aalangan na alok ng kanyang supervisor. -"Naku mam pwede ba ko diyan?", nahihiya niyang sagot, pero sa pakiramdam niya ay napalitan ang itim ng mga mata niya ng simbolo ng piso. -"Oo naman!", seryosong sagot ng supervisor. "Sa ganda mong yan?", dugtong pa nito. -"Hindi naman ako maganda mam", pa-humble na sagot ni Cindy. "Kailan ba yan mam?" Bago sila maghiwalay ng landas ay sinabi ng kanyang supervisor ang lahat ng detalye, binigay niya na din ang contact number ng pamangkin. ----------------------------------------------------------- -"Plok, plok, plok, plok...." Malulutong na ingay ang tanging maririnig mo na tunog sa maliit na silid na iyon at may manaka-nakang halinghing na nagmumula sa dalawang indibidwal na kasalukuyang naglalaro ng apoy. Malakas ang ulan sa labas, kaya siguro masarap din magpainit. Napapabuntong-hininga na lamang si Carl sa naririnig mula sa kalapit na kwarto ng kanilang dormitoryo. Sanay na si Carl sa diskarte ng kaibigan mula sa kabilang kwarto, mahilig itong mamingwit sa aquarium kaya palagi itong may take home. Yung tipong papapakin, lalo na't sa ganitong panahon na maulan. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng sumama si Carl sa kaibigan dun sa sinasabing aquarium, nagkataon kasi na may project sila sa photography at kailangan niya ng model para sa topic na ibinigay sa kanya; "Innocent Curves". Kahit sa sobrang dami ng mga babaeng pwedeng pagpilian ay wala ni isa man siyang natipuhan. Para kasing may kulang, may hinahanap siyang angulo ng isang babae ang hindi niya makita sa mga babaeng nakilala doon. Pinasya na lamang niyang umuwi at iniwan ang kaibigan sa kandungan ng mga babaeng naroon. Habang pauwi ay nasalubong niya ang kanyang tita na pauwi na din galing sa trabaho. Napansin ng kanyang tiyahin na parang may mabigat na problema ang pamangkin, idinetalye ni Carl ang problema niya sa project at nangako naman ang tiyahin na tutulungan siya nito. Ilang araw pa ang lumipas ng mag-text sa kanya ang tiyahin upang ibigay ang number ng isa niyang crew. Agad naman niya itong tinext at nagpasyang magkita sila. Kasabay ng malakas na pagkulog ay umalingawngaw sa kanyang gunita ang usapan nila ng naka-text na babae na nagngangalang Cindy, rumehistro sa kanyang isipan ang huli nilang mensahe sa isa't-isa kahapon: -"Hi Cindy, available ka ba bukas?", maiksing text message ni Carl. -"Hello. Yes sir, off ko po bukas. San po ba tayo and what time?". reply ni Cindy. -"Magkita na lang tayo sa labas ng Starbucks sa may Pearl Drive around 3PM", -"Ok sir. I'll be there" Isa pang malakas na dagundong ng kulog bago pa maisip ni Carl na alas-dos na pala ng hapon, at malakas pa din ang buhos ng ulan sa labas. ----------------------------------------------------------- Isang hapon sa photography class nila Carl, magulo ang lahat, may nagha-halakhakan, may mga kumakain, may ng bo-booger hunting sa gilid, at may ibang natutulog. Ngunit natigil sa kanilang ginagawa ang lahat ng may isang boses ang nangibabaw sa kaguluhan ng paligid. -"Photography may be used both to capture reality and to produce a work of art.", bungad ng isang professor ng fine arts pagpasok pa lamang sa classroom nila. Nabigla ang mga estudyante, hindi dahil sa biglang entrada ng prof, kundi dahil sa sunod-sunod na babaeng pumasok sa classroom pagkatapos ng prof. All boys ang photography class na iyon, kaya laking tuwa ng mga kalalakihan dahil mukang magkakaron na sila ng mga kaklaseng babae. Luminya ito sa harapan, nakaharap sa kanila, lalong laking gulat ng lahat ng biglang nagtangal ng saplot ang mga ito, ang iba ay may naiwang tapis na parang panyo na lamang sa liit. Samantalang ang iba ay todo bigay sa pagladlad ng kanilang alindog. Flag Ceremony. -"Ayon kay Peter Marshall; In the prevailing moral climate at the time of the invention of photography, the only officially sanctioned photography of the body was for the production of artist's studies. Ibig sabihin noon pa man may censorship na, at hindi basta-basta pwedeng mag-picture ng alin mang bahagi ng katawan ng isang tao not unless para ito sa educational purposes. Pero as the development of the camera is evolving, nawawalan na tayo ng restriction kung ano yung mga projects na kinunukunan natin, kaya nauso ang pornography at iba pang erotic materials and ads. Nawawalan na ng sense ang capture reality and produce art.", Mahabang litanya ng professor, hindi naman mapakali sa kanilang mga upuan ang kanyang mga estudyante dahil sa mga laman na nakahain sa kanilang harapan. -"Siguro ay may hint na kayo kung ano yung magiging topic ng photography projects niyo?", usisa ng prof sa mga naglalaway niyang estudyante. Tumango-tango naman ang mga ito pero nakapako pa din ang kanilang mga tingin sa nagagandahang landscapes sa kanilang harapan. ----------------------------------------------------------- -"Innocent Curves? Ano yun?", usisa ni Cindy sabay higop sa umuusok pang kape. -"Yun kasi yung theme ng project namin, at pinaka subject namin yung mga curves ng babae.", tugon ni Carl, at ipinaliwanag ulit kung ano ang pinaliwanag sa kanila ng prof nila sa photography. -"Hindi ko kasi masyado na-gets nung pinaliwanag mo sa'kin sa text e.", nakangiting sambit ni Cindy. -"Aware ka naman siguro kung ano yung tinutukoy kong mga curves?", usisa ni Carl, -"Noong una, nag-alangan talaga ko, kasi alam mo na, hindi naman talaga ko model, lalo na ganitong shoot(nude) agad yung gagawin. Pero naisip ko na for the sake of art lang saka para na din sa tita mo", -"So para pala sa tita ko at sa art, wala bang dahil para sa'kin?', halatang may pambobola sa tinig ni Carl. Tawa lang ang tinugon ng dalaga. Lumipas ang halos isang oras mula ng magkita sila, stranded pa din sila sa Starbucks, mukhang nananadya naman ang ulan dahil parang wala itong balak huminto. Para namang komportable ang dalawa sa isa't-isa, halata naman na na-e-enjoy sila sa maiksing panahon na pag-uusap nila. Lalo na si Cindy, parang nagkaroon siya bigla ng interest sa photography at modeling. Kaya naman halos kung ano-ano na ang napag-usapan ng dalawa, tungkol sa work at studies ni Cindy, tungkol sa course ni Carl, tungkol sa mga model dun sa aquarium na walang napili si Carl, tungkol sa NBA, tungkol sa photography, at tungkol pa sa kung ano-ano. -"Naku mukhang walang tigil yung ulan ah, 2 1/2 hours na tayong nandito. Pano tayo makakapag-shoot nito sa outdoor, tsk!", problemadong sabi ni Carl. -"Bakit hindi na lang natin i-take advantage yung weather, malamang kasi lahat ng classmate mo mag-sho-shoot sa outdoor kapag hindi umuulan. Di ang gawin natin, gamitin natin yung ulan bilang effects mo sa project mo", suggestion ni Cindy. Nanlaki ang mga mata ni Carl sa narinig sa dalaga. -"Payag ka ba?", -"Why not? Basta private yung lugar", Walang pagsidlan ang kaligayahang naramdaman ni Carl ng mga sandaling iyon, at nakita na lamang niya ang sarili kasama si Cindy sakay ng kanyang sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway papunta sa isang private resort sa Antipolo. Itutuloy...

 
 
 

Comments


Recent Posts

Sa isang madilim na dako ng gunita ako'y nagmula, lipon ng mga salita ay pilit kong tinutugma, sayaw ng dahon sa hangin ang tanging inspirasyon, alaala ng kahapon ang tanging edukasyon, kasabay ng paglutang ng ulap ang aking imahinasyon, subalit iyong mapagtatanto, kapag ang pluma at papel ay nagtagpo.

bottom of page