top of page

Photoshoot : 002

  • Markcism
  • Jun 24, 2015
  • 5 min read

Photoshoot.jpg

Malapit ng magdilim ng marating nila ang isang private resort sa Antipolo. Malawak, ma-puno, sikreto, pribado, mga sangkap upang makagawa ng magandang imahe. Hindi pa din natatapos ang pagluha ng langit, naiwan atang bukas ni San Pedro ang gripo sa itaas. Pagdating sa resort ay pinasya muna ni Carl na libutin ang lugar, upang makahanap ng magandang pwesto para sa gagawin nilang shoot. Nagpaiwan naman si Cindy sa cottage upang ihanda ang sarili para sa photoshoot na gagawi nila. -"A figure with curves always offers a lot of interesting angles.", mga katagang tumatak sa isipan ni Carl ng minsang ibahagi sa kanila ito ng kanilang professor sa photography. "Kaya nga I showcase you these beautiful young ladies, to explore their curves, to find interesting angles". -"Pero sir, hindi ba when you showcase naked bodies, it is a form of pornography, kahit ba ipagkalandakan natin na it is a form of art. Sa mindset ng mga makakakita, bastos pa din ito", protesta ng isa mga estudyante. -"We are not showing them just naked woman bodies, we are showing them nudity", depensa ng prof. -"Pero sir diba ang nakedness at nudity ay iisa lamang?" -"No, not at all. Sabi nga ng isang art critic na si John Berger; Nakedness reveals itself. Nudity is placed on display. Kumbaga the nude portrait is only incidentally about the naked person. At meron ngayong classification when you phorograph nude bodies. Which is nude photography, not totally erotic at all, it only focuses on some details of the human figures which hindi natin nakikita madalas, if you know what I mean. Meron pang tinatawag na erotic photography, which are photographs that aimed to stimulate our sexual desires. Ito yung makikita ninyo sa mga kalendaryo ng White Castle o Tanduay. Sometimes eto yung tinatawag na no nude, o pinapakita lang nila na mukha silang seductive pag suot ang mahahaling victoria secret lingerie products. At ang huli eh yung sinasabi ninyong pornographic photography. Ito yung mga images na nagpapakita ng naked bodies in sexual pose or mismong gumagawa ng sexual acts. This type of photography often has a pejorative connotation that may imply lack of artistic quality, at dapat ito ay for exclusive commercial use only" Mahabang paliwanag ng professor. Napaisip ang lahat sa sinabi ng professor, parang naging malinaw sa kanila ang lahat tungkol sa pinagkaiba ng paglalarawan sa hubad na katawan ni eba. Wala itong kaibahan sa isang taong nagpa-picture suot ang bagong damit, because nudity is a form of dress. -"Nudity is a form of dress", bigkas ni Carl sa isipan, "lahat ito ay para sa sake of art, walang halong malisya o kalibugan", pagkukubinsi niya sa sarili. Pabalik na siya noon sa cottage, huminto sandali upang bawiin ang pagod dahil sa paglalakad, tanaw na niya na mula sa kinatatayuan ang entrada ng maliit na bahay sa gitna ng mga nag-gagandang landscapes, pinatay na din niya ang dalang payong dahil tumila na ang ulan at nagpakita na sa wakas ang haring araw kahit hapon na. Hindi sinasadya ay nagawi ang paningin niya sa bukas na bintana sa may gilid nito, mula sa labas ay nakita niya sa loob si Cindy. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang ganda ng hubog ng katawan nito kahit kwintas lamang ang tangi nitong suot. Nudity is a form of dress. ----------------------------------------------------------- -"Cindy, okay ka na ba?", mahinahong sambit ni Carl habang kinakatok ang silid kung saan naroon ang dalaga. -"Yes sir, 5 minutes po at lalabas na ko", tugon ng dalaga. Wala pang limang-minuto ay lumabas na nga ng silid si Cindy, napanganga si Carl ng makita na ang tanging suot lamang ng dalaga ay isang manipis na puting damit. Kahit medyo mahaba ang suot na damit ay lumulitaw ang suot nitong panty sa bawat kilos nito. Napansin naman agad ni Cindy na natulala ang binata dahil sa kanyang suot kaya tinapik niya ito sa balikat at tinanong kung saan sila magsisimula. Agad namang natauhan si Carl, nagkapalitan tuloy sila ng hindi maipaliwanag na ngiti. Pinasya ni Carl na doon muna sa may gazeebo sila magsho-shoot, malapit na kasing lumubog ang araw at naisip niya na magiging maganda ang view doon, tanaw kasi mula sa gazeebo ang urbanidad sa baba ng kabundukan ng Antipolo. Yun nga lang ay nasa itaas na bahagi ito ng resort at kailangan nilang maglakad ng lima hanggang sampung minuto. Madulas ang daanan papunta sa gazeebo dahil sa pagulan kanina kaya naka-alalay si Carl sa likod ni Cindy habang naglalakad sila. Kunwari ay may mga inaayos ang binata na settings sa kanyang D-SLR pero totoo ay nagnanakaw siya ng sulyap sa dalaga, parang nagkakaron na siya nang hindi mapaliwanag na atraksyon para kay Cindy pero pinipigilan niya lamang ang sarili. Agad nag-set up si Carl ng mga gamit pagdating nila sa gazeebo. Mabilis ang mga kilos, si Cindy naman ay namangha dahil sa ganda ng view, ganoon din si Carl, ngunit ibang view ang mas nagpapasaya sa kanyang mata. "When I began to photograph nudes, I let myself be guided by this camera, and instead of photographing what I saw, I photographed what the camera was seeing. I interfered very little, and the lens produced anatomical images and shapes which my eyes had never observed" - Bill Brandt -"Tama si pareng Bill", sa isip-isip ni Carl, habang patuloy na pinipindot ang shutter ng kanyang camera. Hindi naman siya nagkamali ng pagpili kay Cindy dahil halos bigay todo ito sa pag-pose at ramdam mo sa dalaga na gusto nito ang ginagawa niya. Lalong ginaganahan si Carl sa tuwing magpo-pose ang dalaga ng matitinding exposure ng kanyang katawan, erotikang pormahan pero hindi nagmumukang bastos. Parang nag-iinit ang pakiramdam ni Carl, at may isang bagay ang nasa loob ng kanyang pantalon ang gustong kumawala lalo na ng simulan na nilang mag-shoot ng wala ni isang saplot sa katawan ni Cindy. Ngayon lamang napansin ni Carl ang totoong kagandahan ng dalaga. Hindi dahil sa halos wala itong saplot na damit at kolorete sa mukha, subalit sa bawat zoom niya ng lense sa bandang mukha ni Cindy ay parang nakakakita siya ng anghel. Pero pilit niyang nilalabanan ang kakaibang nararamdaman para sa dalaga. It's all part of the deal. ----------------------------------------------------------- -"Hi, ako nga pala si Carl, ibinigay sakin ng tita ko yung number mo. Baka interested kang maging model para lang sa photography project ko sa school. Thanks." unang text message ni Carl kay Cindy. -"Hello, ikaw pala yung pamangkin ni mam, game ako sa pagiging model. Pero wait, anong klaseng photography ba yung gagawin mo?", reply ni Cindy -"Uhm. Mahabang paliwanag e, pwede ba kita ma-meet in person para ma-discuss natin yung project ko. And by the way, it involves matured contents". Nagkasundo naman ang dalawa na magkita, at doon nga ay napag-usapan nila ang theme ng photography project ni Carl, ang terms ng magiging bayaran nila, ang set-up ng photoshoot, at other important matters. Nagkaroon muna ng ilang masinsinang paliwanagan, may demand ang bawat partido, lumipas din ang ilang araw bago tuluyang tanggapin ni Cindy ang alok ni Carl. Pero one thing ang for sure sa deal na ginawa nila. -"No other business, just plain nude photography, be professional". Itutuloy...

 
 
 

コメント


Recent Posts

Sa isang madilim na dako ng gunita ako'y nagmula, lipon ng mga salita ay pilit kong tinutugma, sayaw ng dahon sa hangin ang tanging inspirasyon, alaala ng kahapon ang tanging edukasyon, kasabay ng paglutang ng ulap ang aking imahinasyon, subalit iyong mapagtatanto, kapag ang pluma at papel ay nagtagpo.

bottom of page