top of page

Private Jane : 004

  • Markcism
  • Jun 8, 2015
  • 5 min read

Inihiga sa bakanteng kama ang walang malay niyang katawan, pinisil-pisil, sinasamyo ang bango. Bawat baklas ng bu

Private Jane.jpg

tones sa kanyang pulang blusa ay lalong nagpapatindi sa pagnanasang nararamadaman ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Tila isang espasyal na regalo ang nakahain sa kanila sa tagpong lahat ng saplot ng dalaga ay nahubad na. Wala pa ding malay ang dalaga, maliliit na ungol lamang ang maririnig sa kanya habang sinisipsip ng isa sa mga lalaki ang malaking hinaharap nito. Parang isang sangol na ilang taong hindi nakadede. Napakislot ang katawan ng dalaga na tila self-defense ng tangkaing hawakan ng isa sa mga lalaki ang nasa pagitan ng kanyang mapuputing hita, ngunit hindi ito naging alintana. Tuluyang nahawakan, napaglaruan, hangang sa tuluyang masapo ng lalaki ang kanyang pinaka-iingatang hiyas. Unti-unting minulat ng dalaga ang kanyang mga mahahapding mata, medyo madilim ang paligid, ilang segundo pa ang tumagal upang makita niya ang katotohan. Tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaking hindi niya maalala kung sino, pero pamilyar ang mukha nito. Pawis na pawis ito at gigil na gigil dahil sa sobrang sikip. Panlalata ang nararamdaman ng dalaga, pagod, sakit ng katawan, at hapdi mula sa kanyang maseselang parte. Nang bumalik ang realidad sa kanya ay saka lamang niya naramdaman na may umaangkin sa kanyang pagkababae. Nilingon ang paligid, may dalawa imahe pa nang lalaki ang naaninag niya sa dilim. Napalitan ng takot ang kanyang mundo, sinubukang sumigaw ngunit pinipigilan ito ng tuyong lalamunan. Pinilit niyang pumiglas, ngunit ramdam niya ang lakas ng pagkakahawak sa kanyang mga braso. Sinubukan niya ulit sumigaw at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya. Isang malakas na atungal ang lumabas sa kanyang mga labi, ngunit ayun na pala ang huli. Naramdaman niya ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo. Napalitan ng puting liwanag ang madilim na silid, nawala ang mga lalaki sa paligid, nawala ang sakit at pagod na nararamadaman, kapayapaan ang dumapo sa kanyang ulirat. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Maagang nagising si Dan ng araw na iyon, unang araw ng kanyang vacation leave, bihira lamang ang mga ganitong pagkakataon para sa isang SAF agent na katulad niya na laging nasa field at malayo sa pamilya, kaya bawat minuto ay lubhang mahalaga para aksayahin. Nagtimpla ng kape, nagisindi ng yosi, at dumungaw sa terrace ng kanilang bahay. Kagabi pa lamang pagdating sa bahay mula sa kampo ay pinatawag na niya ang mga kapatid upang ibigay ang mga pasalubong na dala, apat silang magkakapatid, at siya lamang ang nag-iisang lalaki, panganay pa. Kaya halos gumuho ang mundo ng kanyang ina nang malaman na nais niyang maging pulis, lubhang delikado, peligrosong karera. Pero ang kanyang ama ang naging pasaporte upang matupad ang pangarap, sinuportahan siya nito hindi lang financial, suportado siya nito ng buong-buo, stage father kung nag-artista siya. Ngayon isa na siyang magiting na ahente ng Special Action Force, dala ang apelyido ng kanyang ama upang ihanay sa magigiting na taga-ligtas ng samabyanang Pilipino. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya sa munting pasalubong na dala, ang pinaka-masaya ay ang pinakabata niyang kapatid. Si Lorena, college student, scholar ni kuya, sa lahat ng kanyang kapatid ito ang pinaka-close sa kanya. Malambing, masiyahin, mapagbigay, mga katangian na gustong-gusto niya sa kaniyang bunsong kapatid. Kaya kahit anong luho ay binibigay niya dito, pinag-aral din niya ito sa kilalang unibersidad, kahit minsan ay tumutol ang kanilang magulang dahil baka magkaron ng ingitan sa kanilang magkakapatid. Pero animo'y balisa si Dan ng umagang iyon, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, kung dulot ba ito ng matinding hang-over mula sa walang humpay nilang inuman ng kanyang tatay kagabi, o naninibago lamang siya dahil sariling bahay ang kinaroroonan niya ngayon. Pilit niyang pinagtanto ang mga pangyayari kagabi, ang inuman na naganap, ang halakhakan nilang magkakapatid. -"Anong oras kaya umuwi si Lorena?", tanong niya sa sarili. Naalala niya na nagpaalam pala ang bunsong kapatid kagabi upang lumabas kasama ang mga kabarkada, pinayagan naman niya ito dahil halos lahat ng kaibigan niya ay galing sa angkan ng mga maiimpluwensyang pamilya. Ang isang kaibigan niya pa nga at halos best friend ay anak ng isang kongresista. Pero walang humpay ang kanyang bilin na umuwi ng maaga at aalis sila kinabukasan upang mamasyal kasama ang mga magulang. Ika-siyam ng umaga, paghuhumiyaw ng relos niya, paubos na din ang kapeng tinimpla. Lingid sa kanya na sa umagang ito ay magbabago ang kanyang pananaw sa buhay, magbabago ang takbo ng tahimik at matiwasay niyang pakikibaka. Tinungo niya ang silid ng kapatid, kumatok siya ngunit walang responde galing sa loob. Hindi naka-lock ang door knob, marahan niyang binuksan ang pinto. Wala doon ang kapatid. -"Asan na kaya si Lorena?". ---------------------------------------------------------------------------------------------------------- Naguunahan ang mga paa ni Jane habang inaakyat ang isang matarik na hagdan sa loob na ahensya, may isang oras na ang nakalipas nang mabasa niya ang huling mensahe na kailangan ninyang pumunta dito. Malamang magtataka ito kung bakit medyo matagal bago siya nakarating, hindi niya naman obligasyon magpaliwanag at hindi naman niya kailangan talaga magpaliwanag. Bilin sa kanila na wag na wag sasagutin ang alin mang mga mensaheng tulad nang natangap niya kanina, pero dapat ay susunod sila sa ano mang mensaheng dumating sa kanila. Kahit medyo kinakabahan kung bakit biglaan siyang pinatawag at pinapunta dito, wala namang bahid sa kanyang mukha ang nararamdamdan, narating niya ang isang pintuan na may nakasulat na: Intelligence Service. -"Good evening po sir," usal ni Jane pagpasok ng silid at nakita ang nag-iisang tao sa loob na nakaharap sa bintana. -"Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa kita hinihintay," malamig na sagot ng lalaki sabay higop sa kanyang kape. "Kamusta na nga pala ang lagay ng Paco?", dugtong pa nito. -"So far so good sir," tarantang sagot ni Jane, hindi niya kasi inaasahan na uusisain sa kanya ng kausap ang kanyang misyon. -"Balita sa'kin ay malapit na daw matapos ang misyon, oras na lumabas na ang DNA sample sa mga binigay mong subject kaninang umaga ay ma-identify na ang pangatlong suspect." Tuloy-tuloy na bigkas ng lalaki, halata sa boses nito ang pagka-strikto. -"Di mo talaga ako binigo since day one." dugtong pa nito. -"Tinutupad ko lang po ang part ng bargain natin.", matipid na sagot ni Jane. -"Magaling, hintayin lang natin na ma-deliver ngayon ang resulta ng DNA upang ma-close na natin ang kaso upang mailagay na din sa kamay ng batas ang mga dapat panagutin.", halata ang galit sa boses ng lalaki. Umupo ito sa kanyang desk, binuksan ang drawer sa ilalim ng lamesa at palihim na may nilabas mula dito. Isang litrato. -"Malapit na silang magbayad bunso.", ipit na bulong ng lalaki sa sarili kasunod ng pangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Itutuloy...

 
 
 

Comments


Recent Posts

Sa isang madilim na dako ng gunita ako'y nagmula, lipon ng mga salita ay pilit kong tinutugma, sayaw ng dahon sa hangin ang tanging inspirasyon, alaala ng kahapon ang tanging edukasyon, kasabay ng paglutang ng ulap ang aking imahinasyon, subalit iyong mapagtatanto, kapag ang pluma at papel ay nagtagpo.

bottom of page