Private Jane : 005
- Markcism
- Jun 10, 2015
- 4 min read

Hayok na hayok ang tatlong lalaki sa pagpapakasasa sa laman na nakaahin sa kanilang harapan ng gabing iyon, tila mga cannibal sa paglapang ng pinaka-masarap na putaheng likha ng diyos. Palit-palitan silang nagpapakasasa sa alindog at kabirhenang taglay ng kanilang walang kamuwang-muwang na biktima. Ngunit bigla silang natigil ng sumigaw ng malakas ang kanilang biktima, isang sigaw na maaring magkanulo sa kahayupang ginagawa nila. Buti na lamang at hindi nagtagal ang sigaw na iyon, nakagawa ng paraan ang isa sa kanila kung paano pahihintuin ang malakas na panaghoy. -"Tangina mo pare anong ginawa mo?", tarantang tanong ng isang lalaki sa kanyang kasama ng makitang may umaagos na dugo mula sa ulo ng dalaga. -"Sorry pare, tangina kasi e, nataranta kasi ako!!", sagot ng isang lalaki habang hawak pa ang batong ashtray na may bahid din ng dugo. -"Bakit mo pinukpok sa ulo, pwede naman nating busalan yung bibig. Ulol ka talaga.", sabi pa ng isang kasama nila habang pinupulsuhan ang noon ay literal na walang malay na babae. Naramdaman nito na wala ng pulso ang dalaga, itinaas niya ang ulo nito, nakadilat pa din ang mga mata ng babae ngunit animo'y isa na lamang itong dekorasyon na walang buhay. Nagsimula na din sisihan sa pagitan ng tatlo. -"Hirap naman kasi sa'yo pare e, inuunahan mo ng dahas.", sambit ng isa -"Hindi ko naman sinasadya pare, natakot lang ako baka kasi may makarinig sa'tin.", paliwanag ng isa na halatang hindi na alam ang gagawin. "Ano nang gagawin natin pare, paano natin ngayon lulusutan to? Napatay ko siya pare, napatay ko!!". -"Guys, guys, just calm.", swabeng sambit ng isa na hindi halata ang pagka-bahala. "Tama na ang sisihan, may naiisip na ko." ---------------------------------- Major Danilo Valderama, edad trenta'y otso, pinakabata at kasalukuyang Deputy Director ng Intelligence Sevice ng National Bureau of Investigation. Sampung taon na ang nakakalipas ng maging OIC siya ng naturang sangay ng ahensya at ilang taon lamang ang lumipas mula noon ay siya na ang itinalaga bilang pinuno nito. Dating miyembro ng Special Action Force (SAF), maagang nagretiro upang sumali sa noon ay kakabuo lang na PDEA. Nakitaan ng matinding sinseridad sa tungkulin, maraming mga lider ng sindikato ang kanyang nahuli at iniharap sa batas, hinirang bilang isa sa top agent ng PDEA. Hindi nagtagal at napansin siya ng mismong direktor ng NBI at itinalaga bilang pinuno ng Research and Analysis Division o RAD ng NBI. Masigasig, dedikado, ma-prinsipyo, strikto ngunit mahusay mamalakad; mga katangiang idinidikit sa kanyang pangalan. Kaya ng buwagin ang RAD at na-relieved sa posisyon bilang head ng IS si Deputy Director Reynaldo Esmeralda, hindi nagdalawang isip ang direktor ng NBI na si Major Valderama ang ipalit sa pwesto. Hindi nga nagkamali ang direktor dahil mula ng umupo si Major Valderama bilang pinuno ng IS, nagkaron ng kabuluhan ang sangay ng ahensyang ito. Ngunit bago masapit ang mga katagumpayang tinatamasa ng kanyang karera bilang alagad ng batas, maraming hindi nakakaalam sa tunay na dahilan kung bakit ganoon siya ka-dedikado at kasigasig pagdating sa panghuhuli ng mga masasamang elemnto ng lipunan. Bilang SAF operative, nakitaan na siya noon ng magandang record, biro pa nga sa kanya ng kanyang ka-buddy na baka siya ang pumalit sakaling mag-retiro ang kanilang kapitan. Kaya marami ang nagtaka ng biglang nag-resign ito sa tungkulin bilang SAF at naging agent ng bagong tayong Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ayon sa malalapit niyang kaibigan dahil lamang daw it sa isang krimen na bumago sa takbo ng kanyang buhay. ---------------------------------- Bumaba si Dan mula sa ikalawang palapag nang kanilang bahay upang tignan kung nakauwi na si Lorena ngunit nakatulog lamang ito sa sala. Ngunit dismayado siya nang makitang walang isa mang tao ang naroon ng mga oras na iyon. Dahil sa dismaya, inis, at konting pag-aalala pinasya na lamang niyang buksan ang television. Inilipat-lipat ang channel, tila may hinahanap siya na palabas. Hanggang sa mairinig niya ang intro ng isang flash report mula sa isang sikat na tv station. -"Magandang umaga po, narito na po ang pinakamaiinit na balita..." -"Ayun balita", hiyaw ng isip ni Dan, gusto niyang makanood sa balita dahil inaabangan kung malalagay sa flash report ang ilang isyu tungkol sa PNP. -"Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang-lutang sa San Juan River kaninang madaling araw, nakita ito ng isang magtataho, akala niya noong una ay isa lamang itong maleta, dahil sa suot na kulay pulang leather cloth. Hinila ng ilang pulisya na rumesponde sa lugar na biktima ito ng Ativan Gang, dahil wala ang mga gamit ng bangkay kaya hindi ito makilala. Mukhang nagahasa din ang babae dahil sa wala na itong suot na underwear. Sinisikap ngayon ng mga pulisya na kilalanin ang babaeng ito...." Hindi makilala ng mga pulis ang biktima dahil sa mga nawawalang gamit nito kung saan naglalaman ng alin mang identification id upang makilala ang bangkay. Subalit kilalang-kilala ni Dan ang babaeng ito. Parang nabagsakan ng langit at natabunan ng lupa ang pakiramdam ni Dan sa narinig na balita. Nanikip ang kanyang dibdib, nais niyang magwala. Ibang balita ang kaniyang inaasahan, hindi tungkol dito, hindi tungkol sa bangkay na nakita sa ilog. Napasuntok siya pader ng makilala niya ang pulang damit na iyon, ang hubog ng katawan, ang ayos ng buhok, at unti-unting pumasok sa kanyang gunita ang huling usapan nilang magkapatid. ---------------------------------- -"Wow kuya ang ganda naman ng damit na ito!", tili ni Lorena nang iabot niya ang isang paper bag mula sa isang sikat na boutique sa SM Mall of Asia na dinaanan niya kanina bago umuwi. -"Pinili ko talaga yan para sa'yo, buti naman at nagustuhan mo. Kala ko nawalan na ko ng taste pagdating sa fashion e.", masayang tugon ni Dan -"Ang galing mo ngang pumili kuya e, mana ka kay inay pagdating sa taste. Butin naman at may bago kong maisusuot mamaya.", -"Mamaya? Kadadating ko lang aalis ka naman.", may pagtatampo sa boses ni Dan -"Naku kuya, saglit lang naman ako, birthday kasi ng kaibigan ko. Kilala mo ba si Cong. Advincula sa Bicol Region? Yung anak kasi niya classmate ko. Invited kami, nakakahiya naman kung tatangihan ko.", mahabang paliwanag ni Lorena sabay konting paglalambing sa kuyang hindi din niya nakita ng ilang buwan. -"Naku Lorena, baka puro party na lang inaatupag mo ha. Alalahanin mo kailangan mong makatapos ng may magandang marka.", tugon ni Dan na tila pinapayagan ang kapatid na umalis. -"Uuwi agad ako kuya, promise!!", masayang tugon ng dalaga sabay yakap sa kanyang kuya ng mahigpit. Niyakap din ni Dan ang kapatid, lingid sa kanya na yun na pala ang huling hagkan na mararamdaman niya sa piling nang pinakamamahal na bunsong kapatid. Itutuloy....
Comments